"Tulad ng tiyak na sisikat ang araw bukas," ipinangako ni Elder Neil L. Andersen, "ang mga kaloob na pagsisisi at pagpapatawad ng Tagapagligtas, na ibinibigay sa karingalan ng Kanyang pagmamahal na sumasaklaw sa lahat, ay tiyak na matatanggap ng mga yaong lalapit sa Kanya nang may buong layunin ng puso."
Sa aklat na ito, mas nagtuon si Elder Andersen sa mga taong "nagigising" sa Diyos—yaong mga nagsisimula pa lang matuklasan o hangarin ang mga mga banal na kaloob at kapangyarihan ng pagsisisi at pagpapatawad sa kanilang buhay. Ang Banal na Kaloob na Pagpapatawad ay inorganisa sa paraang mapipili ng mga mambabasa ang bahagi o kabanata na pinaka-naaakma sa kanila at mapag-aaralan ito nang hindi kailangang magbasa mula sa simula hanggang katapusan. Gayundin, ang mga lider ay makakapagrekomenda ng mga partikular na kabanata sa kanilang mga pinamumunuan. Puno ng mga makapangyarihang doktrina pati mga kuwento at karanasan, ang aklat na ito ay tutulong sa lahat ng mambabasa na maging mas matatapat na disipulo ng Tagapagligtas.